Isang tumaya ng lucky pick sa Pasay City ang nanalo ng P68.9 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola noong Linggo ng gabi.
Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa kanto ng EDSA at FB Harrison sa Pasay City.
Tumaya siya ng lucky pick o ang lotto machine ang pumili ng winning number combination na 4-21-26-40-42-18.
Nanalo naman ng tig-P52,180 ang 24 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-880 naman ang 1,130 mananaya na nakakuha ng apat na numero.
Balik ang P20 taya ng 21,295 mananaya na nakakuha ng tatlong numero.
Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.
MOST READ
LATEST STORIES