Lindol sa Pangasinan naramdaman sa Metro Manila

  pangasinan map
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.3 ang Pangasinan at naramdaman ito hanggang sa Metro Manila kamakalawa ng gabi (Linggo), ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
     Naramdaman ang lindol alas-9:40 ng gabi at ang sentro nito ay natunton 14 kilometro sa bayan ng Bolinao. May lalim itong 26 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
     Nagresulta ito sa Intensity V paggalaw sa Bolinao.
     Intensity IV naman sa Lingayen, Alaminos City, Sual at San Fabian sa Pangasinan at Alilem sa Ilocos Sur.
     Intensity III naman sa San Carlos at Dagupan City sa Pangasinan at San Emilio sa Ilocos Sur.
     Intensity II names a San Fernando City at Bauang sa La Union; Baguio City, Makati City, Pasig City, Quezon City at Pasay City.
      Intensity I atmans a Vigan City.
     Ayon sa Phivolcs posibleng magkaroon ng aftershock ang paggalaw na ito bagamat walang inaasahang pinsala.
 

Read more...