Heart isinapuso ang mga payo ni Sen.Miriam tungkol sa pera | Bandera

Heart isinapuso ang mga payo ni Sen.Miriam tungkol sa pera

Julie Bonifacio - October 03, 2016 - 12:10 AM

HEART EVANGELISTA AT MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

HEART EVANGELISTA AT MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

ISA si Heart Evangelista sa mga local celebrity na labis na nalungkot sa pagpanaw ng tinaguriang Iron Lady ng Philippine politics na si Sen. Miriam Defensor-Santiago. Ang senadora ang naging daan kaya nagkakilala sina Heart at kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero.

Sa huling panayam namin kay Heart sa contract signing niya for Viva Entertainment, ni-reveal niya na si Sen. Miriam din ang nagpayo sa kanila ni Sen. Chiz na magkaroon ng prenuptial agreement.

“I don’t like to discuss about money and he has two children. Ako, I have din my own. So, ayokong mag-aaway-away pa or what. Para malinis din,” esplika ng aktres.

Hindi rin daw siya nanghihingi or binibigyan ng pera ni Chiz para panggastos niya. She’s very independent although kapag nagdi-date naman sila ng mister niya, ito ang nagbabayad.

“Technically now, kapitbahay pa kami. Pero he lives with me. Isang compound lang kami, e, sa Woodside. Townhouse ‘yun, sa may New Manila.”

Pero malapit na raw silang lumipat ni Sen. Chiz and his kids sa bahay na ipinatayo ni Heart. Take note, pera ni Heart ang ipinambili niya ng lote at gumastos sa pagpapatayo ng magiging lovenest nila ni Sen. Chiz.

Wala raw talagang share si Sen. Chiz sa pagpapatayo niya ng bahay, “Nothing nga. Yes, ako ang nagpapatayo ng bahay kasi it’s better like that. Again, kunwari when I have my own, like I said, we’re very modern. I mean, we’re Filipino ganyan but again, we have a mo-dern family, ‘di ba?”

Nakuha raw ni Heart ang ganitong set-up sa kanyang mga magulang, “Kasi ako, my dad was married before. My mom was married before. His, hers and ours sila. Parang ganoon na rin ‘yung mangyayari sa amin. And I don’t like to talk about money. And nowadays, kung sino ang mas kumikita, bakit ka magiging selfish?”

May apat na kwarto ang bagong bahay ni Heart. Kasama na rito ang room para sa kambal na anak ni Sen. Chiz at isa para sa magiging baby nila ng senador.

Isang anak lang daw ang gusto ni Heart. Pero okey lang sa kanya kahit ano ang gender ng baby basta healthy. Plano ni Heart na sa January onwards ay magkaroon na sila ng anak ni Sen. Chiz.

This is the reason kung bakit work-work pa rin siya kahit keri naman siyang buhayin ng asawa. Gusto raw niyang mabigyan ng magandang future ang kanyang only child.

Naiintindihan naman daw ni Sen. Chiz kung ayaw munang magka-baby ni Heart after their wedding. May mga kontrata pa kasi na kailangang tuparin si Heart gaya sa Viva Entertainment where she signed an exclusive two-year contract for movies and endorsements.

“This is my fifth year with them (Viva). Akala nga nila hindi na ako magmu-movie, Sabi ko, ‘No, anything.’ So, they’re conceptualizing, ganyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At least meron akong ano, even if it is one movie in two years okey ako, minsan kasi parang ang sarap ding mag-relax,” pahayag ni Heart.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending