Matatakasan pa ba ang kerida? (2) | Bandera

Matatakasan pa ba ang kerida? (2)

Joseph Greenfield - October 03, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Arnold ng San Isidro, San  Simon, Pampanga
Problema:
1. May ibinahay akong babae at may isa kaming anak bukod pa sa legal kong pa-milya. Ang problema simula ng humina ang kita ko sa pinapasukan kong kompanya parang hindi ko na kayang suportahan ang babaing kinasakama ko dahil sa sobrang taas ng mga gastusin, lalo na ngayong imbis na madagdagan ang mga sideline ay nabawasan pa. Balak ko na sana siyang iwanan ang kaso kapag daw naghilaway kami nagbanta siya na ibibisto daw niya sa tunay kong asawa ang relasyon namin at ang anak ko sa kanya.
2. Nalilito na ko sa nga-yon sa kakaiisip kung paano ang aking gagawin bukod pa sa unti-unti na rin akong nababaon sa mga utang nang hindi alam ng legal kong asawa. Lotto na nga lang ang pag-asa ko upang muling makabangon kasi hindi ko na talaga inaasahan ang suweldo ko na sobrang liit na sa nga-yon. Sana matulungan nyo ako upang walang masaktan o mamroblema sa dalawa kong pamilya. October 10, 1983 ang birthday ko.
Umaasa,
Arnold ng San Simon, Pampanga
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing kung itutuon mo ang iyong libido o sexual energy sa pagpapaunlad ng kabuhayan, malaki ang posibilidad na yumaman ka.
Numerology:
Ang birth date mong 10 ay nagsasabing basta’t iwasan mo lang ang pambabae, maraming suwerte at magagandang bagay ang nakatakdang maganap sa i-yong kapalaran.
Graphology:
Maganda at buhay ang iyong lagda na kinakitaan ng paalon-alon na guhit. Ito ay malinaw na tanda na kung mag-aaplay ka sa abroad, tiyak ang magaganap – makapangingibang bansa ka at sa abroad ka aasenso at kikita ng malaking halaga at sa ganoong paraan kusa mo na ring maiiwasan ang iyong kerida.
Huling payo at paalala:
Arnold kahit na nagbabanta ang iyong kerida o number two na na isusumbong ka sa tunay mong asawa sa sandaling nakipaghiwalay ka sa kanya, wala naman siyang magagawa sa itinakda ng kapalaran. At ang nakatakda kung mag-aaplay ka na sa abroad sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Disyembre o laya’y Enero 2017 may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran at sa nasabing pag-aabroad uunlad ka. Kapag maunlad na maunlad ka na, wag na wag mong kalilimutang padalan ng “financial support” ang iyong dating kerida at ang anak mo sa kanya, sa ganyang paraan, lalo pang gaganda at magiging masagana ang iyong kapalaran habang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending