DAHIL sa banta sa kanilang buhay, minarapat ng ama ni Alden Richards na idulog ang kanilang kaso sa NBI. Here are our two cents’ worth take on this.
Hindi na bago ang mga kuwento ng pagbabanta sa mga artista but if it’s already life-threatening, bukod sa matindi ito’y uugatin mo ang posibleng pinanggagali-ngan ng banta. Anong atraso meron si Alden sa kung sinumang Tom, Dick or Harry to receive death threats at idinamay pa ang kanyang pamilya?
Atraso bang matatawag ang maging sikat na resulta lang naman ng kanyang hitsura, talent, sipag, pakikisama, kabutihan ng kalooban, loyalty to his network at katapatan sa kanyang katambal?
Naniniwala kami that even if we inhabit what most people say is a cruel world, death threat is not the fair, equitable price of one’s success.
Posible pa that success of a person—career-wise—threatens to affect his family sa kawalan niya ng oras pa rito, his health dahil sa sobrang trabaho, his personal life dahil wala na itong paglagyan.
Obviously an object of envy, talaga namang kaiinggitan ang kinalalagyan ngayon ni Alden. Every actor his age dreams of occupying the same seat where Alden so comfortably sits.
May kuwento kaming nais ibahagi tungkol sa isang taga-showbiz (hulaan n’yo na lang kung bata o matanda, anong uri ng trabaho, tisoy ba o moreno) as fed to us by a close showbiz friend many years ago.
Istoryang death threat din ito. Ang siste, ikinabalisa at ikinabahala ng taong ‘yon ang tinanggap niyang banta sa kanyang buhay allegedly coming from the side ng kanyang naging karibal sa pag-ibig.
Spurned lover kasi ang taong nagtanim ng galit sa kanya, who threatened him and his family. Hindi matanggap ng nagbanta na sa kabila ng kanyang estado sa lipunan ay binasted siya ng babaeng gusto niya, only to see the girl already in a relationship with the guy.
Tragic ang pagtatapos ng kuwentong ‘yon, na kinailangan naming ipakumpirma sa isa sa mga taong malapit sa taga-showbiz na ‘yon.
In Alden’s case, wala ka-ming nakikitang parallelism sa kuwento niya at sa aming inilahad. Isang bagay lang ang tiyak sa mga taong seryoso sa kanilang pagbabanta sa buhay ng may buhay, wala nang death threat-death threat pa in whatever form, they will just shoot down at the sight of their subject.
And not hide under the cloak of social media kung saan doon lang sila nagtatapang-tapangan.