Charice balak nang mag-propose kay Alyssa: Ipon muna para sa kasal!

charice pempengco at allysaAPAT na taon nang magkarelasyon sina Charice at Alyssa Quijano at in fairness, walang masyadong intriga sa kanilang pagsasama.

Isa sa mga itinuturing na pinakamagandang regalo na natanggap ni Charice sa 10 taon niya sa mundo ng showbiz ay ang pagdating ni Alyssa sa kanyang buhay.

Kaya sa isang panayam sa international singer kamakailan ay natanong siya kung may plano na silang pumunta sa next level ng pakikipagrelasyon.

“Mag-four years na kami and kung may gagawin kami probably propose muna then ipon muna for the wedding and nag-uusap na kami about that.

“Pero siyempre darating tayo diyan, kumbaga boring man pakinggan doon na parating talaga,” tugon ni Charice.

Read more...