Yung gamit na gamit, i love it!- Korina

korina sanchez

MARAMING manonood ang natuwa at nag-enjoy sa guesting ni Korina Sanchez sa anniversary episode ng Tonight With Boy Abunda nitong nagdaang Biyernes ng gabi.

Game na game kasing sumagot sa mga naughty questions ang award-winning broadcast journalist sa Fast Talk segment ng programa hosted by Boy Abunda.

Pero bago ito, tinanong muna si Korina tungkol sa date nights nila ng asawang si Mar Roxas, “Sobrang simple namin ni Mar. Sobrang babaw ng kaligayahan namin. Alam mo nung nagkakilala kami pareho na kaming matanda. Huwag naman matanda – may edad na kaming dalawa.

“So medyo nagsawa na rin siya, nagsawa na rin ako. So ayaw na namin ng maingay. Gusto namin nakakapag-usap kami. Saka pag mag-asawa hindi na nga kayo kailangan mag-usap. Tingnan na lang ‘yan, kindatan na lang ‘yan. Alam mo na ang ibig sabihin niyan at kung ano ang kasunod,” chika ni Korina.

At pagdating nga sa Fast Talk questions, parehong pinili ng news anchor ang sex at cholocolates. Best time naman para sa sex, “Any time!” ang tugon niya.

Nang papiliin kung sino kina Coco Martin, Piolo Pascual at John Lloyd Cruz ang gusto niya, nag-isip muna ang misis ni Mar sabay sabing, “Jericho (Rosales)!”

Sa tanong na, “Kung aso ka sinong master mo?” sagot ni Korina, “Mother-in-law Judy Roxas.”
Ang “most embarrassing moment” naman daw niya ay noong, “I forgot my own name during a newscast.”

Kung magkakaroon ng chance na ma-interview niya ang asawang si Mar Roxas ang unang itatanong niya rito ay, “Hanggang kailan mo ako mamahalin?”

Nagsigawan naman ang studio audience nang tanungin siya kung ano ang sexiest part sa katawan ni Mar, ang tila nanunuksong tugon ni Korina, “The most used part of his body. I love it.”
Good kisser ba ang kanyang asawa? “Yes. And more!”

Sa tanong naman kung bakit tsinelas ang napili niyang ipamigay sa mga batang nakikilala niya sa pag-iikot sa ibat ibang bahagi ng bansa, “Nakakita ako ng pangangailangan sa tsinelas kasi walang namimigay ng tsinelas. Binibigay nila pagkain, edukasyon, vitamins pero ang tsinelas nakalimutan.”

Read more...