Gusto nang sumama ni De Lima kay Sebastian

DE LIMA: Ikulong n’yo na ako—headline ng Bandera story noong Huwebes.

Uy, gusto na ni Ma’am na magsama na sila ni Jaybee Sebastian sa kulu-ngan!

Masarap kasing umayuda ang isang preso.

Hehehe!

Kailangang madaliin na ang pagkulong kay Sen. Leila de Lima dahil baka di na niya maabutan si Sebastian nang buhay.

Nasugatan nang malubha kasi si Sebastian sa riot sa loob ng maximum security compound ng New Bilibid Prison.

Napatay ang Intsik na drug lord na si Tony Co sa riot. Kasama si Sebastian sa apat na sugatan.

Pagbalik ni Sebastian sa “Munti” baka magkaroon na naman ng riot at hindi na siya makakaligtas sa pangalawang pagkakataon.

Eh, ano naman kung napatay si Tony Co at nasugatan si Sebastian sa riot?

Ano naman ang pakialam ng mamamayan kung ang mga halimaw na ito ay nawala sa mundo o nabaldado sa riot?

Ano naman kung ang gobyerno ang nasa likod ng riot?

Di ba tayo natutuwa na may ginagawa ang administrasyon ni Digong Duterte na mawala ang kasamaan dulot ng droga?

Natutulog ang mga administrasyon nina Gloria at Noynoy kaya’t dumami at lumaki ang problema ng droga.

Masyadong nagpayaman si Gloria at kanyang asawang si Mike kaya’t napabayaan ang droga.

Masyadong naka-focus si Noynoy sa computer games at pag-uulayaw sa mga babaeng bayaran kaya’t napabayaan niya ang droga.

Nagka-ugat na ang problema sa droga sa bansa kaya’t kailangan ng solusyong radikal.

Desperate situation calls for desperate solution.

Kung alam lang ninyo kung gaano kalala ang problema sa droga gaya ng pagkakaalam ni Pangulong Digong, magsisimpatiya ka kay Presidente.

Noong pakikipag-meeting ko sa kanya ng early hours of Sept. 24 (mukhang di na natutulog ang taong ito), sinabi ng Pangulo sa inyong lingkod na malapit nang dumating sa punto na irreversible na ang sitwasyon at kinakailangan ng drastic solution.

“Bawat sektor ng lipunan ay apektado na,” ani Presidente.

Mga politicians, judges, prosecutors, pulis, showbiz personalities, mayayaman at mahihirap ay gumagamit ng pinagbabawal na gamot o nagbibigay proteksiyon sa illegal drug trade.

Hindi siya titigil hangga’t di nabibigyan ng kalutasan ang problema, sabi ni Digong.

Kinakampihan ni Ramon Ang, isang business tycoon, si Pangulong Digong sa kanyang matinding kampanya sa droga, kriminalidad at korapsyon.

Si Ang, president and CEO ng San Miguel Corp., isang giant conglomerate, ay namumuhunan ngayon ng malaki sa manufacturing at infrastructure dahil magbo-boom daw ang bansa sa ilalim ng administrasyon ni Digong.

“Itago mo ito sa bato: Lilipad ang ating bansa. Magiging mas mabuting lugar ang bansa para sa
ating mga anak at apo dahil mapipigil na ang pagkalat ng droga sa ilalim ng Duterte administrayon,” sabi ni Ang.

Dahil sa expected economic boom, magtatayo ang SMC ng airports, pantalan at riles at bibili ng mga tren.

Sinabi ni Ang na ang Petron, the leading fuel company, ay mag-i expand, ang mga planta ng petrochemical, power at semento ay itatayo ng SMC.

Kung malulutas ni Digong ang problema ng droga, kriminalidad at korapsyon, hihirangin siyang pinakamagaling na pangulo ng bansa, ani Ramon Ang.

Dahil nanggaling sa isang henyo sa pangangalakal, ang mga kataga ni Ang ay magkakaroon ng magandang epekto sa ibang business giants.

Ang balak na itatag muli ang Philippine Constabulary o PC ay nagbabalik ng magagandang ala-ala sa maraming Pilipino, lalo na yung mga senior citizens o yung malapit nang maging senior citizen.

Ang PC ay isang military organization na may police powers. Ito’y isa sa mga major services ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kasama ang Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy.
Ang PC ay pinalitan ng Philippine National Police (PNP).

Dahil sa military character ng PC, ito ay di hamak na mas disiplinado at ginagalang kesa PNP, na isang civilian organization.

Ang pagiging civilian character ng PNP ay nagresulta ng kawalan ng disiplina ng mga miyembro at pagiging tamad ng mga ito.

Kapag umabuso ang isang miyembo ng PNP, matagal bago siya patawan ng parusa dahil siya’y protektado ng batas ng Civil Service; kadalasan ay hindi siya napaparusahan.

On the other hand, ang isang sundalong PC na nang-abuso ng sibilyan ay kinukulong agad habang hinihintay niya ang paglilitis sa korte.

Ang PC, na may mahaba at makulay na kasaysayan, ay itinatag noong panahon ng mga Amerikano bilang insular police.

Ang mga opisyal noon ng PC ay nagtapos sa Philippine Constabulary Academy na pinalitan ng Philippine Military Academy.

Binuwag ang PC sa ilalim ng administrasyon ni Cory Aquino at pinalitan ito ng PNP dahil naglunsad ng personal vendetta si Cory sa pinatalsik na diktador na si Ferdinand Marcos.

Parang lumalabas na sa pagbuwag ng PC, nakaganti na si Cory kay Marcos.

Read more...