High-profile inmates sinorpresa ng drug test

ISA ang nagpositibo sa 34 na itinuturing na high profile inmates na sumailalim sa sorpresang drug test sa New Bilibid Prison.
Ayon kay Bureau of Correction (BuCor) OIC Rolando Asuncion, tanging si Raymond Dominguez, ang lider ng carnaping at robbery syndicate, ang nagpositibo sa paggamit ng shabu.
Isinagawa ang drug test ilang araw bago naganap ang riot sa Building 14 ng maximum security compound ng National Bilibid Prison (NBP), kung saan nakakulong sina Tony Sy, Jaybee Sebastian, Peter Co, Vicente Sy, dating Chief Insp. Clarence Dongail.
Sa nasabi umanong riot namatay si Tony Sy at nasugatan ang apat.
Sinabi ni Asuncion na isasailalim pa sa confirmatory test si Dominguez yupang masiguro kung gumagamit nga ito ng droga.
Tiniyak ng opisyal na sakaling muling magpositibo si Dominguez ay mahaharap ito sa panibagong kaso at disciplary action. —Liza Soriano

Read more...