Hugot pa more, Senator Miriam

miriam-santiago2

SUMAKABILANG-buhay kamakalawa si dating Sen. Miriam Defensor-Santiago pero marami ang hindi makakalimot sa kanya hindi lang dahil sa kanyang maaanghang na salita, tapang at talino kundi maging sa kanyang mga pick-up lines na kinaaliwan ng matatanda at bata.

Noong 2014 ay inilabas niya ang librong “Stupid Is Forever,” isang koleksyon ng mga pickup lines mula sa kanyang mga talumpati at sa mga pagdinig sa Senado.

Aniya, kumukuha siya ng inspirasyon mula sa “millions of stupid people” na nagbibigay umano sa kanya ng ideya para sa pick-up lines. Sa sumunod na taon ay inilabas niya ang sequel ng libro at tinawag itong “Stupid Is Forevermore.”

Narito ang ilan sa mga nakakabaliw na linya mula sa kanyang dalawang libro:

“May high blood pressure ako dahil napapaligiran ako ng mga taong mababa ang IQ.”

“I eat death threats for breakfast.”

“Yes, I go to Mass every day. Sometimes, I pray that God will turn my enemies into pillars of salt.”

“Alarm clock ka ba? Kasi paggising ko, ikaw ang gusto kong patayin.”

“As for all those jerks in government who are my enemies, they are the reason why God created the middle finger!”

“Ito ang advice ko sa’yo: Face your fears! Pero kapag nakita mo kaaway mo, sabihin mo sa kanya: ‘Fear your face!’”

“Boy: Tubig ka ba? Kasi kung hindi mo ako crush, wala kang taste.
Girl: Eh ikaw, tubig ka ba?
Boy: Bakit?
Girl: Kasi I can’t wait for you to evaporate.”“Maliban sa bone marrow             disorder ko, malala ang mga sakit ko. May sakit ako sa puso because I’m       always heartbroken, when I see corruption.”

“Dalawang beses lang naman kita gustong makasama: Now and forever.”

“Kung magkaroon ka man ng third eye, ilagay mo ito sa puso mo para            hindi ka na mabulag sa pag ibig.”

“Tinanong ang mga nanay kung ano ang ipinapainom sa mga anak nila.
Nanay 1: Bonakid. Para sa batang may laban.
Nanay 2: Emperador. Para sa totoong tagumpay.
Nanay 3: Tubig ng Maynilad, dahil dumadaloy ang ginhawa.”
“Ano ang sabi ng dagat sa isa pang dagat? Wala, nag-wave lang siya.”

“Paano mo sasabihin sa kausap mo na maitim ang kili-kili niya nang hindi siya magagalit? Ganito: Ano ba ang ginagamit mong deodorant, Kiwi shoe polish?”

“Kapag namatay na ako, huwag na huwag kang pupunta sa libingan ko. Baka tumibok ulit ang puso ko.”

“Ang pag-ibig ko sa’yo ay parang langka. Langka-tapusan.”

“Mag-exchange gift tayo? Akin ka at sa iyo naman ako.”

“Hindi lahat ng sweet ay loyal sa ’yo. Tandaan, sweet nga ang candy, pero nakabalot naman sa plastic.”

“Kapag sinabi sa iyo ng boyfriend mo na nanlalamig na siya sa iyo, buhusan mo ng gasolina at silaban mo!”

“Pedicab ka ba? PEDICABang i-date sa Valentines Day?”

“If somebody asks: Kamusta ang lovelife? Just answer back: ‘Katulad mo, panget!’”

“National Anthem ka ba? Kasi tuwing naririnig ko ang boses mo, napapahawak ako sa dibdib ko.”

“When the husband says, ‘Ako ang tigas sa amin.’ He really means: ‘Ako ang tigas-saing ng kanin, tigas-sampay ng labada, tigas-sama sa palengke at tigas-sundo sa eskwela ng mga bata.’”

“Tapos na ba ang exams mo? Pwedeng ako naman ang sagutin mo?”

“Can you recommend me a good bank? Because I am saving all my love for you.”

“Pahingi ako ng papel, papel sa buhay mo.”

“Tanungin ninyo ang boyfriend o girlfriend ninyo: Ano ang pinagkaiba mo sa tubig?Ang tubig, iniigib; Ikaw, iniibig.”

“Sana scientist ako, para ikaw naman ang lab ko.”

“Pangalan mo pa lang kinikilig na ako, paano pa kaya kung magkaapelyido na tayo?”

“I don’t think  I’ll succumb to lung cancer. Tongue
cancer pa,  siguro.”

Read more...