Arci trip maka-one night stand ng mga boylet

ARCI MUÑOZ AT JOHN ESTRADA

ARCI MUÑOZ AT JOHN ESTRADA

TINUTUKAN at kinapitan ng mas maraming manonood ang pagsisimula ng kuwento ng dalawang taong muling pinagtagpo ng tunay na pagmamahal sa pinakabagong serye ng ABS-CBN na Magpahanggang Wakas na pinagbibidahan ng nagbabalik-primetime na sina Arci Muñoz at Jericho Rosales.

Ayon sa datos ng Kantar Media, wagi ang pilot week ng show sa ratings na nakapagtala ng weekly average national TV rating na 25.9% (mula Sept. 19 to 23) at tinalo ang katapat nitong programa sa kabilang network na nakakuha ng 20.9%.

Bukod sa mataas na nationwide ratings, bumuhos din ang papuri ng netizens para sa cast at sa direktor ng drama series sa Twitter at naging usap-usapan sa social media.

Ngayong linggo, muli nang natagpuan ni Waldo (Jericho) si Aryann (Arci) ngunit hindi sa pagkakataong kanyang inaasahan dahil nakatakda na siyang ikasal kay Tristan (John Estrada).

Sa kabila nito, ipaglalaban pa rin ni Waldo ang kanyang pagmamahal upang makuhang muli si Aryann at maibalik ang minsan nilang masayang pag-iibigan.

Ano ang gagawin ni Waldo upang bumalik sa kanyang piling si Aryann? Ano ang gagawin ni Tristan sa oras na malaman niya ang nakaraan nina Waldo at Aryann?

Huwag palampasin ang Magpahanggang Wakas bago ang Till I Met You sa ABS-CBN.

Samantala, pinag-usapan din ng netizens ang mapangahas na love scene nina Arci Muñoz at John Estrada sa nasabing serye nitong nakaraang Lunes.

Nagsimula ang maiinit na eksena ng dalawa sa swimming pool hanggang sa mapunta na sila sa kwarto at sa kama. In fairness, wala talagang arte itong si Arci pagdating sa paghuhubad at pagpapaseksi, game na game ang aktres sa mga halikan at love scene.

Last week, tinutukan din ng mga manonood ang passionate love scene nina Jericho at Arci sa dagat na talaga namang nag-trending din sa social media.

Ito ang dahilan kung bakit mas dumarami pa ang mga lalaking (pati na rin ang mga tibo) nagpapantasya kay Arci. Sabi nga ng ilang male netizens, gusto raw nilang matikman si Arci kahit isang gabi lang. Ay, grabe sila, oh! Talagang one-night-stand ang peg!

Read more...