Pia dinenay na magdyowa na sila ng gwapong car racer

PIA WURTZBACH AT MARLON STOCKINGER

PIA WURTZBACH AT MARLON STOCKINGER

MARIING itinanggi ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na may namamagitan na sa kanila ng Filipino F1 racing driver na si Marlon Stockinger.

Gumawa ng ingay sa social media ang pagpo-post ni Pia ng litrato nila ng gwapong racer sa kanyang Instagram account. Ayon sa followers ng Pinay beauty queen, bagay na bagay daw sila ni Marlon.

Inisip din ng ilang netizens na nagde-date na ang dalawa dahil sa kanilang sweet photo together.

Pero ayon naman sa isang TV report, nakikipag-date pa rin daw si Pia sa tinaguriang Sexiest Doctor Alive na si Mikhail Varshavski or Dr. Mike.

Kanina, nag-tweet si Pia at ipinaalam sa kanyang followers na hindi totoo ang lumalabas na balita tungkol sa kanila ni Marlon.

“News about me last night were false. Wonder where they got their sources from,” ang mensahe ni Pia. Ngunit nang i-check namin uli ang nasabing tweet ay burado na ito sa account ng beauty queen.

Dahil sa paglabas ng mali-maling impormasyon tungkol sa kanyang personal life ay nalulungkot daw si Pia dahil mas pinagtutuunan pa raw ito ng mga tao at ng media kesa sa mga charity works na ginagawa niya bilang 2015 Miss Universe.

Kabilang na nga rito ang recent trip niya sa UNICEF last Tuesday. Aniya sa kanyang tweet, “I wonder why the media won’t feature our recent trip to UNICEF instead. Yesterday was national gay men’s HIV AIDS awareness day.”

Ayon sa isa niyang follower, mas marami kasing gustong makibalita about her love life, na sinagot ni Pia ng, “Which is sad because I’ve done a lot but it doesn’t seem to get more media coverage.”

Read more...