Mega kina KC at Aly: Kung saan sila makakarating, desisyon nila ‘yun!

KC CONCEPCION AT SHARON CUNETA

KC CONCEPCION AT SHARON CUNETA

BOTONG-BOTO si Sharon Cuneta sa football player na si Aly Borromeo para sa anak na si KC Concepcion kaya umaasa siya na hindi totoo ang tsismis na naghiwalay na ang dalawa.

“Actually, hindi ko alam ‘yun (break-up rumors). Kung anuman, hindi ko pa naririnig. Sana naman huwag,” aniya sa isang panayam kamakailan.

Hirit pa ng Megastar, “Anybody that’s nice to my daughter and makes my daughter a better person and brings her closer to the family, I will like. Aly is like that.”

Ang isa pang gustung-gusto ni Sharon kay Aly ay ang pagiging malapit nito sa mga kapatid ni KC, lalo na kay Miguel.
“His best friend is Miguel because Miguel is into soccer and he is very mayabang because Aly is the captain tapos tinuturuan siya,” aniya pa.

Pero kung sakaling may problema nga ang dalawa ayaw nang makialam muna ng singer-actress, “I leave it to them. KC is an adult. Saan man makarating ang kanyang relasyon, decision na niya ‘yun.”

Kamakailan, na-confuse ang followers ni KC sa Instagram nang mag-post ang dalaga ng isang mensahe kung saan naglagay siya ng mahabang status, hindi raw siya “single” ngayon pero hindi rin siya “taken”.

Read more...