Gloria de Lima

LAHAT ng nagaganap ay kaloob sa tamang panahon. May panahon sa pagpatay, panahon sa paghilom; oras ng dalamhati, ng pagsasaya. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Ecl 3:1-11; Slm 144; Lc 9:18-22) sa paggunita kay Padre Pio sa ika-25 linggo ng taon.

Gloria de Lima, napakagandang pangalan, di pa isinisilang. Gloria, papuring abot-langit, walang katumbas na ligaya, biyaya ng pagsilang ng Mesiyas. Lima, labis na kabanalan, kataimtiman ng panalangin at pananampalataya, sagisag ng Limang Sugat ni Jesus, tagapagligtas ng sansinukob, kordero ng Diyos.

Gloria na isinilang. Anim na taon sinisi, inusig nina Aquino at D5. Halos araw-araw na kinukutya, sinisisi sa lahat ng kasamaan at kabiguan, hinusgahan laban sa utos ng Ebanghelyo, tanging tampok sa anim na SONA ng tamad na butihing anak nina Ninoy at Cory.

Sa anim na taon pagkabilanggo at walang humpay na sisi’t usig, nanahimik si Gloria (silence of Jesus) sa karahasan at pagdudusta (arrogance of Pilate) ni Aquinong noynoying (parang si Caiphas na ang masipag lang ay ang pagbuka ng bibig).

Tahimik at buong mapagkumbaba na tinanggap ni Gloria ang alipusta, pag-uusig at pagdudusta nina Aquino, D5 at Dilawang alipores na halos duraan siya sa mukha habang dumaraan. Sa pagdurusa sa sakit sa pinto ng kamatayan habang nakabilanggo tulad ni Juan Bautista, di nagsumamo si Gloria sa mapang-api, tulad ng ikaapat na Misteryo ng Hapis.

Anim na taon na binata (bigkas maragsa) ni Gloria ang pag-uusig. Sa mahigit na dalawang buwan pa lamang ni Digong sa poder, “nervous wreck” na ang itinuring na magaling na abogado. Kulang sa tulog, bakit di mo dasalin ang Chaplet of the Divine Mercy? Ang Chaplet ay di isinulat ng tao kundi katha ni Jesus, para sa Ama, na kanyang idinikta kay Santa Faustina (Kowalska) sa kombento sa Krakow.

Bedan si D5, pero kabaligtaran ang kanyang pamumuhay sa patron ng San Beda, si San Benedicto, isinilang 480. Sa tanang buhay ni San Benedicto, tanging ang pagbabasa at pagsunod sa Ebanghelyo ang kanya gawa araw-araw. Sa banta ng pagpatay (poisoning), tatlong beses iniligtas si San Benedicto ng “divine intervention.”

Kung ang iginigiit ni D5 ay “falsely accused” siya nina Digong at Vitaliano, di ba niya kayang ipagtanggol ang sarili bilang abogado? Puwede namang lumapit si D5 kay Santo Domingo, na tumutulong sa “falsely accused.” Pero, baka di tanggapin si D5 ni Santo Domingo (santo ng UST, tagapagtatag ng Order of Preachers), dahil ang buong buhay ng Dominicano ay “tireless effort in the service of God.”

Walang nakaiiwas sa karma. Maraming pinahirapan si D5 habang siya’y pinakamakapangyarihang taga-usig. Nasira ang buhay nina Renato Corona, Magtanggol Gatdula, atbp., at nawalan ng marangal na hanapbuhay ang iba pang maliliit. Ngayon lang nakita ng taumbayan ang bangis ng bunganga ni D5. Kulang nga siya sa tulog.

Ang kailangan ni D5 ay simpatya. Mahirap ibigay sa kanya ang awa, tulad ng kaluluwa ng mayaman na tumingala kay Abraham, hiniling na isawsaw ni Lazaro ang daliri sa tubig para maibsan ang kanyang uhaw sa paligid ng apoy. Sinu-sino ang makikisimpatya sa kanya?

PANALANGIN: Papuri sa Panginoon sa bagong pag-asa, sa bagong buhay sa araw na ito. Papuri sa panimula sa liwanag ng umaga, sa pagbangon sa dilim ng gabi (bahagi ng panalangin paggising sa umaga).

MULA sa bayan (0916-5401958): Alisin si Arthur Tugade. Di niya alam ang trapik sa Metro Cebu at Metro Manila. Sayang lang ang suweldo niya na galing sa taumbayan. Joey, Lahug, Cebu. …9861

Read more...