Ilang senador umalma sa planong pagpapalabas ng sex video ni de Lima

laila de lima

UMALMA ang ilang senador na kaalyado ni Sen. Leila de Lima sa plano ng Kamara na ipalabas ang umano’y sex scandal ng senadora sa pagpapatuloy ng pagdinig kaugnay umano ng drug matrix sa New Bilibid Prison (NBP).
Sa isang joint statement, sinabi nina Senate President Pro Tempore Franklin Drilon, vice chairman of LP, at Senators Francis Pangilinan at Bam Aquino na ito ay pagpapakita ng kawalan ng paggalang, bukod pa sa pagiging iligal.

“We vehemently oppose the plan of the House of Representatives to show the alleged videos as disrespectful, deplorable, and illegal,” sabi ng LP.
Idinagdag ng mga senador na maraming batas ang lalabagin sakaling ito ay ituloy.
“Regardless of the authenticity of the alleged videos, viewing it is disrespectful to a sitting senator, to her person, and to the office she holds, and is violative of the law,” ayon pa sa pahayag ng mga senador.

Nauna nang kinuwestiyon ni Sen. Grace Poe ang ligalidad ng pagpapalabas ng video na naglalayong patunayan ang relasyon ni de Lima sa kanyang dating driver na si Ronnie Dayan, na siya umanong nangongolekta ng drug money sa NBP.

Read more...