Hiniling ni Sen. JV Ejercito sa Sandiganbayan Sixth Division na payagan siyang makapunta sa Hong Kong para makapagbakasyon kasama ang kanyang pamilya.
Sa kanyang Twitter post, sinabi ng senador na pupunta siya sa HongKong upang asikasuhin ang retirement ng kanyang misis na isang flight stewardess ng Cathay Pacific.
Nakasaad din doon na sasamahan niyang manghuli ng Pokemon ang kanyang anak na si Julio.
“Aside from my wife’s retirement papers, purpose of going to HK is to catch more Pokemons with my son Julio. This is news,” saad ng tweet ni Ejercito.
Hindi naman ito nakasaad sa kanyang mosyon at ang nakalagay lamang doon ang biyahe ay para sa bakasyon.
“Accused Joseph Victor Gomez Ejercito, by counsel, respectfully requests that he be allowed to travel to Hong Kong from October 14 to 16, 2016 for a family vacation with his wife and son,” saad ng mosyon.
Nais ni Ejercito na umalis sa Oktobre 14 sakay ng Philippine Airlines alas-7:55 ng umaga. Siya ay tutuloy sa Gateway Hotel bago pumunta sa Immigration Tower para sa renewal ng Hong Kong ID ng kanyang misis.
Nakasaad doon na ‘free day’ ang Sabado at sa Linggo ng hapon sila bibiyahe pauwi.
Tinutulan naman ito ng prosekusyon at sinabi na walang malaking rason upang umalis si Ejercito sa bansa.
“It appears that the reason that the intended travel of accused Ejercito in Hong Kong is purely for leisure and recreational. Thus, the is no compelling reason for this Honorable Court to grant his purported travel to the said country. Said accused failed to show that the denial of his request to travel abroad would cause him and his family irreparable damage or prejudice,” saad ng Comment ng prosekusyon.
Kailangang magpaalam ni Ejercito sa Sandiganbayan kapag lalabas ng bansa dahil mayroon itong kinakaharap na kasong graft at malversation kaugnay ng maanomalya umanong pagbili ng baril gamit ang Calamity Fund noong siya pa ang mayor ng San Juan.
“It must be emphasized that the right to travel of an accused is not absolute as it is subject to the usual restraints imposed by the necessity of safeguarding the system of of justice. Verily allowing the accused to leave the Philippine jurisdiction will render nugatory the orders and processes of the Honorable Court,” saad pa ng prosekusyon.
30
MOST READ
LATEST STORIES