P61M nakuha ng cigarette vendor sa cellphone number

 lotto for site
Numero ng cellphone ang nagbigay ng P61.3 milyong suwerte sa isang nagtitinda ng sigarilyo.
     Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay taga-Paranaque City.
     Siya ay 52-taong gulang, may asawa at isang anak.
     Sinabi ng nanalo na may dalawang taon na siyang tumataya sa lotto. Nagkakahalaga ng P40 ang kanyang taya ng manalo.
     Bibili ang nanalo ng kanyang sariling bahay at lupa. Magtatayo rin siya ng negosyo at magtatabi para sa kinabukasan ng kanyang anak.

Read more...