Social media inulan ng pakikidalamhati, pagpupugay sa namayapang Sen. Miriam Defenso-Santiago

HANGGANG sa huling pagkakataon, binulabog pa rin ng palaban na dating Senador Miriam Defensor-Santiago ang social media.

Ilang oras matapos i-anunsyo ng kanyang mister na si INterior Secretary Narciso “Jun” Santiago ang pagpanaw ng misis, hindi na tumigil ang social media sa pagbibigay ng huling pagpupugay at pasasalamat sa nagawa niya para sa bayan.

Sa top 10 trending sa Twitter (PH), limang pwesto ang kinopo  ng mga hashtag na #RIPMiriam, #Sen.Miriam, #RIP Senator Miriam Santiago, #Iron Lady at #Rest In Peace Sen.Miriam.

Sa Facebook, marami ang nagbigay ng kanilang simpatya, nag-throwback ng mga larawan kasama ang senador.

Read more...