Last words ni Miriam: I accept this. I don’t want to do anything heroic

 

“I accept this. I do not want to do anything heroic.”

Ito ang huling mga pahayag ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa kanyang mister na si dating Interior Secretary Nicanor “Jun” Santiago, sa huling araw na conscious pa ito at bago tuluyang bumigay sa stage 4 lung cancer Huwebes ng umaba sa  St. Luke’s-Global.

Ayon kay Santiago, ang mga labi ng kanyang misis ay dadalhin sa basilica sa Cubao, Quezon City ngayong araw.  Wala umanong plano ang kanyang pamilya na i-cremate ang dating senador.

Kwento pa ng dating kalihim, ilang araw ding naging unconscious ang misis sa ospital.  Ilang clinical trials para sa lung cancer din ang pinasukan ng misis nitong nakalipas na dalawang taon, ngunit nanatili pa rin ang sakit nito.

Sa huling trial, tatlong infusions umano ang sinubukan sa kanya bago siya tuluyang naging unconscious.

“She died peacefully in her sleep. That is all I want to remember,” pahayag pa ng nagdadalamhating si Ginoong Santiago.

Nagsimula si Miriam, na dati ring hukom sa Quezon City Regional Trial Court, sa public service noong 1988 bilang Commissioner ng Bureau of Immigration and Deportation, kung saan siya ay binigyan ng pagkilala ng Ramon Magsaysay Award for Public Service, Asia’s equivalent ng Nobel Prize, dahil sa matinding kampanya niya laban sa korupsyon.

 

Read more...