Pambihira ang humihingi ng apology

ANG paghingi ng paumanhin o apology ay kinakailangan ang tapang.

“Tapang,” dahil ang paghingi ng kapatawaran ng isang tao ay pag-ako na siyaý nagkamali.

Mahirap kasing aminin ng isang tao na siya’y nagkamali.

Ang pag-amin ng pagkakamali ay maaaring magdulot ng pagkawala ng credibility o kaya’y sisihin siya ng taong nasaktan ang damdamin.

Kapag ito’y isang public mistake, ang isang public apology ay maaaring magdulot ng kahihiyan sa taong nagkamali sa mata ng publiko o public shame.

Kaya’t kahanga-hanga ang ginawa ni Presidente Digong na humingi ng public apology kay Pangasinan Rep. Amado Espino Jr., Board Member Raul Sison at dating provincial administrator Rafael Baraan sa pagkakaugnay nila sa illegal drug traffic.

Walang ginawang dahilan ang Pangulo kung bakit siya nagkamali; ipinakita niya ang matinding pagsisisi.

“Somewhat we were negligent. I am apologizing publicly to them. I am very sorry,” anang Presidente sa tatlo.

Di porke humingi na ng tawad si Digong ay puwede na siyang magkamali muli.

Kailangang mag-ingat na siya sa pagparatang sa mga tao sa publiko sa susunod.

Ang kanyang mga tauhan ay dapat maging mas maingat sa pagbigay ng impormasyon kay Digong tungkol sa illegal drug traffic.

Kung malagay na naman nila si Presidente sa kahihiyan, dapat sila’y mag-resign sa kani-kanilang puwesto.

Kung makakapal ang kanilang mukha at hindi magbitiw, dapat sipain sila.

Naging mas madrama ang apology ni Pangulong Digong dahil ang kanyang sinaktan ng kalooban, si Congressman Espino, ay tinanggap agad ang apology at nagpasalamat pa!

“The truth has finally come out and I thank the President very much,” ani Espino, isang retiradong opisyal ng militar.

A graduate of the Philippine Military Academy, walang kinukopkop na galit si Espino sa Pangulo.

“Nagkamali lang yung tao, Mon,”sabi niya sa inyong lingkod.

Matagal ko nang kaibigan itong si Spine—yan ang kanyang palayaw—kaya’t alam na alam kong maki-clear ang kanyang pangalan.

Nakilala ko si Spine noong dekada ’90 nang siya’y commander ng Angeles City Metropolitan District Command o Metrodiscom.

Isang bemedalled officer, nilinis niya ang “makasalanang” lungsod ng Pampanga ng mga hoodlum, hired killers at drug pushers.
That’s why in defending him in my column sa INQUIRER at Bandera, sinabi kong “linking Espino to drugs doesn’t make any sense.”

Nakamit ni Spine ang kanyang mga medalya dahil sa pagkakadakip niya sa mga NPA bigwigs—kasama na rito si Bernabe Buscayno o Kumander Dante—big-time na mga kriminal at dahil sa pagkakasugat niya sa pakikipaglaban sa mga komunistang rebelde.

May anecdote o istorya tungko kay Espino.

Ang yumaong Cesar Nazareno, bago hirang noon na Philippine Constabulary chief, ay pinatawag si Spine dahil sa kanyang mga natanggap na mga medalya.

An officer who fought in Mindanao and spent most of his assignments in Mindanao, gusto niyang malaman kung gaano katapang si Spine.

Mababa kasi ang pagtingin ni Nazareno sa mga opisyal na hindi na-assign sa Mindanao at hindi nakatikim ng pakikipaglaban sa mga matatapang na Moro.

“Nabalitaan ko na marami kang natanggap na medalya sa pakikipaglaban sa mga NPA at kriminal sa Luzon, pero nadestino ka na ba sa Mindanao?”

Maraming opisyal ang nanginginig kapag sinasabing matatapon sila sa Mindanao noong mga panahong yun at maging sa ngayon.

“Sir, hindi pa po ako nadestino sa Mindanao, pero kung pahihintulutan nýo ako, gusto kong maging provincial commander ng Sulu,” ani Spine.

Nabigla si Nazareno. Ni-retain niya si Spine sa Luzon pero binigyan ng mga mahihirap na assignments.

Parang pagong si Spine na itinapon sa tubig kaya’t nagpakita ito ng gilas hanggang sa maging regional director siya ng Region I.

Read more...