‘Marunong din palang manahimik si Andi Eigenmann! Kailan kaya siya magsasalita?’

andi eigenmann

HANGGANG ngayon ay tameme pa rin si Andi Eigenmann tungkol sa pagkakalantad kung sino ang tunay na ama ng kanyang anak na si Ellie.

Kung dati’y walang pinalalampas na isyu ang dalagang-ina, ngayon ay nagmistula siyang pipi at bingi na walang kaimik-imik tungkol sa kontrobersiya, may isyu rin naman palang magpapatahimik kay Andi Eigenmann.

Hindi si Andi ang klase ng taong basta na lang papayag na maisahan siya, napakaaktibo niya sa social media sa kalilitanya kapag may mga pumapansin sa kanya, pero ngayon ay napakatahimik ng aktres.

Maraming naghihintay sa kanyang depensa sa mga birang inaabot niya ngayon mula sa mga netizens pero wala pa rin, tikom pa rin ang bibig ni Andi, kung kailan siya magsasalita ay tanging siya lang ang nakakaalam.

Walang pinakamaligayang tao ngayon kundi si Albie Casino na mula nang ipanganak ni Andi si Ellie ay naging malaking target na, pero napatunayang bendikado ngayon, si Jake Ejercito ang ama ng bata at hindi ang aktor na pinupog nang masasakit na salita nu’n ni Andi.

Naghihintay pa siguro ang aktres na medyo humupa ang tensiyon, hindi muna siya magsasalita dahil kapag ginawa niya ‘yun ay triple pang upak ng mga netizens ang matitikman niya, marunong din naman palang manahimik si Andi.

Boses niya ang pinakahihintay na marinig ng buong bayan ngayon.

Read more...