BINUHAY muli ni Philippine National Police chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa ang umano’y planong pagpatay sa kanya at kay Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan kinumpirma niya na isang mayamang heneral at ilang miyembro ng PNP na sangkot sa droga ang nangangalap ng pondo para sa asasinasyon
“We have received information na itong heneral na mayaman na ito nakapagipon na ng pera ay pinopondohan na kami para ma-neutralize kami (that this wealthy general has already collected money to fund our assassination),” sabi ni dela Rosa sa isang ambush interview matapos bumisita sa buro ni Special Action Force trooper PO2 Tirso Mantalaba.
Matatandaang sinabi ni dela Rosa na nag-aalok ng P50 milyon kada isa ang mga drug lord para sa ulo niya at ni Duterte.

“Iba pa ‘yung threat na galing sa inmates sa loob. Iba pa ‘yung threats na nanggagaling sa kanila. May information lang but still (not) violated ha. Alam mo na, pulis tayo may info na naglalabasan. Nagpo-pondo pondo,” dagdag ni dela Rosa.
Naniniwala si dela Rosa na sangkot ang mga “narco-cops” sa mga pagpatay para mapatahimik ang kanilang asset.
“Pinaiimbestigahan natin. Most likely malaking posibilidad ‘yan,” sabi pa ni dela Rosa.