Jodi Sta. Maria nominado bilang Best Actress sa 44th Int’l Emmy Awards

BUMANDERA na pala ang listahan ng mga nominado para sa 44th International Emmy Awards, at ang good news, pasok dito ang Pinay actress na si Jodi Sta. Maria.
Nominado si Jodi bilang Best Actress para sa papel na Amor Powers na ginampanan niya sa highly rated na TV drama na “Pangako Sa ‘Yo”.
At ang bongga talaga ni Jodi dahil ang mismong kalaban niya para sa Best Actress ay ang mga kilalang pangalan sa mundo ng pelikula hindi lang dito sa bansa kundi sa buong mundo gaya ni Judi Dench, Grazi Massafera at Christiane Paul.
Ang International Emmys ay gaganapin sa Nobyembre 21 sa Hilton New York Hotel.   Ayon sa press release, ang mga nominado ngayong taon ay mula sa 15 bansa kabilang na ang Pilipinas, Germany, South Korea, Brazil at iba pa.

Read more...