Kailan magkakahanap ng trabaho? | Bandera

Kailan magkakahanap ng trabaho?

Joseph Greenfield - September 28, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Honey ng Alfaro St., Tetuan, Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
Dalawang taon na akong gradueyt ng HRM pero hanggang ngayon wala pa rin akong trabaho. Maraming kumpanya na ang pinag-aplayan ko pero puro pangako lang hindi pa rin ako tinatawagan. Kaya na-obliga tuloy akong mag-trabaho sa kung saan-saan na hindi angkop sa aking kurso, tulad ng pagtitinda sa palengke. Gusto kong mag bago ang buhay ko kaya sana gusto kong malaman kung kailan kaya ako makakahanap ng maganda at regular na trabaho? Gustong-gusto ko na kasing magkaroon ng trabaho, para makatulong sa aming pamilya. May 4, 1991 ang birthday ko. Sa pag-ibig naman po sa ngayon ay wala pa rin akong boyfriend, kailan kaya ako magkaka-boyfriend at makapag-aasawa?
Umaasa,
Honey Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Maganda, tuwid at may umayudang tulong sa Fate Line na tinatawag ding Career Line (Illustration 1-1 arrow 1. at 2-2 arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin kahit na nagtitinda ka lang ngayon sa palengke, hindi ka naman mawawalan ng trabaho, sa halip habang nagtitinda, ituloy mo lang ang mga pag-aaplay at makikita mo hindi matatapos ang taong ito sa tulong ng isang lalaki, isang trabahong related sa iyong kurso na HRM ang mapapasukan mo.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Nine of Hearts at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaking kasing edad mo rin at dati mong ka-class mate sa college, sa buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre, sa isang kilalang kumpanya na may kaugnayan sa pagkain, mapapasok ka na at sa nasabing trabaho doon ka na rin, mareregular at magkaka-boyfriend.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending