2 celebrity OA maglandian pero ayaw pa ring aminin ang relasyon

BLIND ITEM MALE AND FEMALE 0304
HILING ng ating mga kababayan, sana raw naman ay magpakatotoo na ang mga artistang totoong magkarelasyon, pero tigas pa rin sa kadedenay.

Kung ayaw nga naman nilang pagpistahan ang kanilang relasyon ay magkita na lang sila sa pribadong lugar, hindi ‘yung lantaran pa nilang ipinakikita ang kanilang paglalambingan, pagkatapos ay idedenay lang naman nila nang walang kakurap-kurap ang mga mata.

Tulad ng dalawang personalidad na halatang-halata namang magkarelasyon dahil kitang-kita ‘yun sa kanilang mga galaw, pero denay pa rin nang denay, ginagawa nilang tanga ang mga nakakakita sa kanila na halos magtukaan na sa harap ng publiko.

Kuwento ng aming source, “Nagpunta sila sa resto-bar. Alam mo na agad na sila na ngayon, kasi nga, sa tinginan pa lang nila, e, buking na ang relasyon nila.

“Meron ba namang magkaibigan lang na habang kumakain sila, e, kulang na lang na subuan pa ng girl ang guy? Naku, ‘no! Matagal na nilang ginagawang tanga ang mga nakakakita sa kanila!”

Ano kaya ang dahilan at itinatago pa ng dalawa ang kanilang relasyon? Hindi ba naging maayos ang pakikipaghiwalay nila nu’n sa mga ex nila?

“Tantanan na ang mga pagdedenay, buking na buking na sila. Kung ayaw nilang pagpistahan ang relasyon nila, e, huwag silang nagpapakaitang magkasama sa labas na naglalambingan, ‘no!

“Ano ‘yun? Basta gusto lang nilang maging sweet sa isa’t isa? Ano ba naman ang dalawang ‘yun, ngayon pa lang ba sila natutong magmahal, e, ilang kandungan na ang pinanggalingan ng girl at napakarami na ring nakarelasyon ng guy!

“Part two na nga lang nila ito, di ba, pero may mga ganyang kadramahan pa sila! Under pressure ba sila? Gets n’yo na, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday kung sinu-sino sila?” pagtatapos ng aming impormante.

Read more...