Sorry ni Duterte tinanggap ni Espino | Bandera

Sorry ni Duterte tinanggap ni Espino

Leifbilly Begas - September 27, 2016 - 06:18 PM
duterte Tinanggap ni Pangasinan Rep. Amado Espino ang paghingi ng paumanhin ni Pangulong Duterte kaugnay ng bintang nito na sangkot siya sa operasyon ng iligal na droga.      Sa isang pahayag, sinabi ni Espino na bagamat nasaktan siya at ang kanyang pamilya sa alegasyon, ipinakita umano ni Duterte ang tapang nito ng humingi ng paumanhin at paglinis sa kanya at kina Raffy Baraan at Raul Sison.      “(M)y family, friends and the people of Pangasinan would like to express our gratitude to the President for being a true leader and a gentleman. He has my highest esteem for the courageous and bold statement of apology on clearing my name, Raffy Baraan and Raul Sison,” ani Espino.      Sinabi ni Espino na tutulong siya sa kampanya ni Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot at pagpapaigting ng peace and order sa bansa.      “I am humbled by the pronouncement of the President today on clearing my involvement on the alleged drug matrix released last August 25, 2016. I kept my silence for the past three weeks as I know beyond reasonable doubt that I am not guilty of this allegation.”      Sinabi ni Espino na ng magkausap sila ni Duterte noong Agosto 30, nangako ang Pangulo sa kanya na muling ipasusuri ang drug matrix na inilabas nito.      “Although my family and the people of Pangasinan were saddened by this unprecedented accusation, we remained steadfast on our respect and high regard on the discretion of the President and relied completely on his promised revalidation.”      Si Espino ay isa sa mga pulitikong pinangalanan ni Duterte na sangkot sa illegal drug trade.      Kahapon ay humingi ng paumanhin si Duterte kay Espino at inamin na mayroong mga butas ang pagkonekta sa kongresista sa sindikato ng droga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending