Kim inokray sa Showtime: Yung tawa niya nakakairita! Sapaw pa siya sa mga host!!!

kim chiu

WALANG takot na nilait at inokray ng isang netizen ang pagho-host ni Kim Chiu sa It’s Showtime ng ABS-CBN. Ilang araw na ring napapanood ang Kapamilya actress sa nasabing programa bilang kapalit ni Mariel Rodriguez na nasa Amerika na ngayon para doon manganak.

Unang nag-post si Kim sa kanyang Instagram account na papunta na siya para sa kanyang hosting job sa Showtime at in fairness, maraming followers ang dalaga ang na-excite na mapanood uli siya sa pangtanghaling programa ng Dos.

Pero may isa ngang basher (@14xylon) na talagang kinarir ang panlalait kay Kim, sinabi nito na sana raw ay ibang celebrity na lang ang kinuha para mag-host.

Sabi nito, “AYSUS ANJAN NA NAMAN C BUNGISNGIS! KUNG C ALEX GONZAGA OR MAJA NLNG KINUHA NYO MAS MASAYA PA! #REALTALK!”

Na sinundan pa ng, “YUNG TAWA NI KIM NAKAKAIRITA! TAPOS SAPAW PA SYA SA MGA HOSTS JAN SA ST KALA MO SYA MAIN HOST E!!!”

Pilit namang kinontrol ni Kim ang kanyang emosyon at magalang pa ring sinagot ang kanyang basher, “PASENSYA PO. Tao lang!! God bless ate!”

Pero palaban pa rin ang netizen, muli itong nag-post ng comment. Aniya, “Matuto ka kasing LUMUGAR di ka naman MAIN HOST! Tsaka di pa NAKAKAPAG GONG C JHONG SUMASABAT ka naagad!?

“SI VICE ILANG BESES NA NA DI NYA NATUTULOY SASABIHIN NYA KASI UMI-EPAL KA KAGAD! BUTI PA SILA ANGEL LOCSIN MARUNONG LUMUGAR!”

Hindi na sinagot pa ni Kim ang hirit ng kanyang basher. Ilang followers din niya ang nag-suggest na huwag nang patulan ang nasabing netizen dahil mukhang sarado na ang utak nito.

Read more...