#TIMYTheRooftopKiss ng JaDine humataw

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

HINDI natinag ang suporta ng mga manonood sa kiligseryeng pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre na Till I Met You matapos itong mamayagpag sa ratings sa bago nitong timeslot noong nakaraang linggo.

Kinapitan ng fans ang bawat nakakikilig at nakakaiyak na eksenang dala nina Iris (Nadine) at Basti (James) kaya naman nakapagtala ang Kapamilya teleserye ng average weekly nationwide rating na 18% (Set. 19-23), higit na mataas kumpara sa katapat nitong palabas na Someone to Watch Over Me na nakakuha ng 11.3%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Bumuhos din ang nag-uumapaw na suporta ng netizens para sa kanilang pinakapaboritong loveteam matapos na umani ng halos two million tweets ang official hashtag ng episode noong Miyerkules (Sept. 21) na #TIMYTheRooftopKiss at manguna sa listahan ng trending topics sa Twitter.

Hindi rin naman pinapalagpas ng mga manonood ang bawat episode ng naturang teleserye kaya naman ngayon ay umabot na ito sa higit-kumulang na 3.5 million views sa iWant TV mula nang umere ito sa telebisyon noong nakaraang buwan.

Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento, isang sikreto ng nakaraan ang nakasira sa pag-iibigan nina Iris at Basti matapos nilang malaman na minsang nagkarelasyon ang kanilang mga magulang na sina Cassandra (Carmina Villarroel) at Nestor (Zoren Legaspi) na nauwi sa masakit na hiwalayan.

Dahil dito, napagdesisyunan ni Iris na makipaghiwalay na lamang kay Basti upang hindi na lalo pang masaktan ang kanyang ina. Pero hindi naman susuko ang binata na ipaglalaban ang kanyang pagmamahal sa paghabol niya sa dalaga bago ito umuwi sa Pilipinas.

Magkaroon pa kaya ng pag-asang magkaayos sina Iris at Basti? Kakalimutan na nga ba nila ang kanilang nabuong pag-iibigan? Paano sila tutulungan ng kanilang kaibigang si Ali (JC Santos)?

Huwag palampasin ang pamamayani ng tunay na pag-ibig sa Till I Met You, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Read more...