Yeng, Rachelle, Sarah sa remake ng ‘DoReMi’?

yeng rachel sarah

MAINIT na pinag-usapan kahapon ng mga netizen ang ipinost ni Rachelle Ann Go sa kanyang Instagram account tungkol sa posibleng remake ng 1990 hit movie “Do Re Mi” nina Dona Cruz, Regine Velasquez at Mikee Cojuangco under Viva Films.

Tinanong kasi ni Rachelle Ann ang kanyang followers kung gusto ng mga ito na i-remake nila nina Sarah Geronimo at Yeng Constantino ang nasabing pelikula.

Nag-post din sa IG ang Broadway singer-actress ng picture nila nina Yeng at Sarah. Nasa Pilipinas ngayon si Rachelle Ann kaya nagkaroon siya ng time para makipag-bonding sa kanyang mga BFF.

Caption ng aktres sa kanyang photo: “Y.R.S. reunited. ASAP Y.R.S. segment. Ang saya saya lang namen. Sobrang namiss namin ang isa’t isa. DoReMi remake??? What you think? Hmmm. I love these ladies so much!”

Halos lahat ng followers at fans ng tatlong singer ay agree na i-remake nila ang nasabing movie. Perfect daw sila sa nasabing proyekto at tiyak daw na magiging big hit ito.

Napanatili ng tatlong singers ang kanilang pagkakaibigan kahit na hindi sila palaging nagkikita. At kahit na nga naka-base ngayon sa London si Rachelle Ann ay hindi niya nakakalimutang kumustahin ang kanyang mga BFF sa Pinas.

Read more...