Kris leading lady ni Vic sa Enteng Kabisote 10; isasabong kina Erich at Daniel

VIC SOTTO AT KRIS AQUINO

VIC SOTTO AT KRIS AQUINO

TINANONG kami ng isang non-showbiz friend kung may alam kami sa taping ng bagong show ni Kris Aquino sa GMA 7. Na-cancel daw kasi ang supposedly taping nito last week.

Sabi sa amin, “Talk show ang gagawin ni Kris sa GMA, pre-programming ng Eat Bulaga, kasi Mr. T (Tony Tuviera) naman has the option kung before or after Eat Bulaga niya ilalagay si Kris. But I think, it’s before EB.”

Kung matutuloy ito, ang makakatapat ng programa ni Kris sa ABS-CBN ay ang serye nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga na Be My Lady.

Kaya hindi trulili ang tsikang tatapatan ni Kris ang morning show ng Dos na Magandang Buhay hosted by Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal na dating timeslot ng Kris TV.
Dagdag pa ng aming kausap, “Dapat magsimula nang mag-taping si Kris kasi hanggang December na lang ang kontrata ng APT (Entertainment) sa GMA. Pero sure naman na ire-renew ng GMA ang kontrata nina Mr. T.”

Samantala, kung wala nang magiging problema si Kris daw ang magiging lea-ding lady ni Vic Sotto sa “Enteng Kabisote 10” na posibleng maging entry sa Metro Manila Film Festival 2016. Hindi lang kami sure kung siya ang gaganap na enkantadang misis ni Bossing sa movie.

Read more...