Andi dapat lang mag-sorry sa pangwawasak kay Albie Casino

andi albie

NGAYON dapat kumuda nang kumuda si Andi Eigenmann para maidepensa niya ang kanyang sarili sa sobrang nagngangalit na komento ng mga netizens tungkol sa su-mabog na balita na si Jake Ejercito ang tunay na ama ng kanyang anak na si Ellie at hindi ang inupak-upakan niyang si Albie Casino.

Ngayon siya dapat magpainterbyu, ngayon siya dapat maghanap ng mga salitang sasapat sa galit na galit na reaksiyon ng publiko sa pagkalantad ng tunay na ama ng kanyang anak, may mukha pa kaya siyang maihaharap ngayon kay Albie Casino?

Kung matatandaan ay paganda na sana ang career nu’n ng aktor pero naudlot ‘yun dahil sa sobrang pang-uupak sa kanya ni Andi. Tinawag ito ni Andi na si-nungaling, iresponsable at walang balls.

Ngayong lumabas na ang katotohanan na si Jake Ejercito ang tunay na ama ng kanyang anak na sinusuportahan ng resulta ng DNA test at mismong half-sister pa niyang si Max Eigenmann ang kumumpirma ay ganu’n na lang ba ‘yun?

Kailangan niyang mag-sorry kay Albie na winasak-wasak niya nu’n ang imahe sa publiko. Kailangang siya mismo ang maglaba sa duming ikinapit niya sa pa-ngalan ng aktor na wala naman pala talagang dapat panagutan sa kanyang pagkakaroon ng anak.

Hindi ibang tao ang dapat pumulot sa mga piraso ng buhay ni Albie na winasak niya. Siya mismo ang dapat bumuo nu’n dahil siya ang sumira at hindi ibang tao.

Read more...