Pia nag-charity event para sa 26th b-day; sinorpresa nina Pauleen

 

SUPER happy si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach matapos ang simple ngunit makabuluhang selebrasyon ng kanyang 26th birthday last Sept. 24.

Naging busy ang kaarawan ni Pia last Saturday, nagsimula ito sa isang charity event kasama ang ilan niyang kaibigan at ang mga miyembro ng Pianatics na ginanap sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Naging matagumpay ang nasabing charity event kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng Pinay beauty queen sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa kanila.

Sa official fanpage ni Pia, makikita ang ilang larawan sa nasabing event na may caption na: “Celebrating @piawurtzbach’s Birthday with the Piana-tics.Thank you Naxional for hosting! Thank you! #piawurtzbach #missuniverse!”

Kinagabihan ay sinorpresa naman si Pia ng ilan sa kanyang malalapit na kaibigan sa pangunguna ni Pauleen Luna-Sotto at ni Bb. Pilipinas-Universe Maxine Medina.

Hindi alam ni Pia na bibigyan siya ng surprise party ng mga kaibigan na ginanap sa isang restaurant sa Makati.

Nag-post si Pia ng isang litrato sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang pagkabigla nang makita ang inihandang selebrasyon sa kanya ng mga kaibigan.

Nilagyan niya ng caption ang photo ng: “That moment your friends surprise you and they catch your reaction on camera! I have the best friends in the world! Thank you @ninaalmoro!”

Ipinost naman ni Pauleen sa kanyang IG account ang isang litrato kung saan sama-sama silang kumakain sa isang lamesa.

 

Read more...