Pinay beauty queen wagi sa Miss United Continents sa Ecuador
WAGI ang kandidata ng Pilipinas sa ginanap na 2016 Miss United Continents sa Palacio de Cristal, Guayaquil, Ecuador.
Natalo ni Jeslyn Santos, 23, ang 27 kandidata mula sa iba’t ibang participating countries kabilang na sina Miss United States, Miss Puerto Rico at Miss Mexico na kadalasang nananalo sa mga international beauty pageants.
Ayon sa ulat, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nanalo ang Pilipinas sa Miss United Continents.
Sa official website ng pageant, since magsimula raw ang Miss United Continents (dating Miss American Continent) noong 2006, palagi itong ginaganap sa Guayaquil, Ecuador. Nu’ng una, 21 official beauty queens lang mula sa American continent (previous contestants, finalists o winners sa Miss Universe, Miss World, Miss International at Miss Earth) ang kasali sa pageant.
Pero ayon nga sa pageant director at owner ng MUC na si Maria del Carmen de Aguayo, nagdesisyon silang palawakin ang beauty contest – kaya mula sa Miss American Continent ginawa itong Miss United Continent.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.