Trillanes nilait ang mga kapwa senador: Mas magaling lang sila sa isang grade one lang ang natapos

sen antonio trillanes

NILAIT ni Sen. Antonio Trillanes IV ang ilan sa kanyang kapwa senador sa pagsasabing pinatunayan lamang nila na mas magaling lamang sila sa isang grade one lang ang natapos.

“The inconsistencies, if any, were trivial as shown by the transcript. And, despite the badgering, Matobato was consistent about the events and other details he was sure about,” sabi ni Trillanes.

Ang tinutukoy ni Trillanes na nakatapos lamang ng grade one ay ang umaming dating miyembro ng Davao Death Squad (DDS) na si Edgar Matobato na naunang nag-akusa kay Pangulong Rodrigo Duterte na nasa likod ng mga pagpatay Sa Davao City.

Ito’y bilang reaksyon sa ilang sa kapwa senador na kumukuwestiyon sa kredibilidad ni Matobato.

“But I must admit, there was a language barrier and a few of my colleagues took advantage of that. Napakita nila na mas magaling sila sa Grade 1,” dagdag ni Trillanes.

Read more...