Jake Ejercito tunay na tatay ng anak ni Andi

ANDI EIGENMANN AT JAKE EJERCITO

ANDI EIGENMANN AT JAKE EJERCITO

SI Jake Ejercito nga ang tatay ng anak ni Andi Eigenmann. Mismong ang kapatid ng Kapamilya actress na si Max Eigenman ang nagkumpirma nito sa radio show ni Mo Twister.
Ayon kay Max, base sa isinagawang DNA test si Jake ang tunay na tatay ni Ellie at hindi si Albie Casino.
Sa interview ng podcast ni DJ Mo na Good Times With Mo, sinabi nito na like naman niya si Jake bilang tao, “You know that he’s the father of my niece right? Yeah he is, he is. They did a test and yeah he’s the dad.”
Shocked si DJ Mo sa pasabog ni Max, ang akala kasi ng lahat ay si Albie ang ama ni Ellie at naging malapit lang si Jake sa bata dahil ito na ang tumayong ama mula nang ipanganak si Ellie. At may naganap palang test.
Sey pa ni Max, “They did, they did and then they checked. They’re co-parenting that’s why he always posts photos of my niece and stuff.”
Kamakailan, nagkapalitan ng masasakit na salita sina Jake at Andi sa pamamagitan ng social media. Tinawag kasing manggagamit ni Jake ang aktres nu’ng kasagsagan ng promo ng pelikula ni Andi na “Camp Sawi”. Galit na galit ang aktres sa ex-boyfriend at sinabing ayaw na niyang makausap kahit kailan ang binata.
Ayon pa kay Max, hindi pa rin nagkakaayos ang dalawa, “Apparently he said something that she didn’t like on camera or on an interview and that was her reply to him. But as far as a I know they haven’t made up yet.”
In-announce rin ni Max na masaya na ang lovelife ngayon ni Andi, “Oh but my sister has a boyfriend, for like a year now. The surfer guy who is a younger brother of my friend, coincidentally.”
Samantala, vindicated naman ang BANDERA columnist na si Reggee Bonoan sa balitang ito. Kung matatandaan, two years ago ay isinulat ni Reggee sa kanyang column na si Jake ang tunay na ama ni Ellie at hindi si Albie base na rin sa mga nakuha niyang impormasyon sa ilang sources.

Read more...