Freddie umaming nag-perform sa bilibid; Mega kinantahan ang mga preso pero walang bayad

freddie-aguilar-at-sharon-cuneta
HINDI itinanggi ni Freddie Aguilar na tumugtog siya sa Bilibid Prison. Isa si Ka Freddie sa nabanggit na performers ng isa sa witnesses sa Congress hearing kaugnay ng illegal drug trade sa national penitentiary.

Sa isang radio interview kay Freddie, kinumpirma niya isa si Jaybee Sebastian sa mga lider sa loob.
“Si Jaybee Sebastian, na-meet ko siya noon doon sa loob. Isa siya sa masugid kong tagasubaybay. Inikot ko ‘yung Bilibid, pinakilala ako sa ibang mga tropa-tropa dun. Kasama namin ‘yung mga security.

“Si Manong Manat ang nag-invite sa amin noon, P50,000 po yata ang bayad sa banda namin noon. Nakasabay ko pa si Ethel Booba. Kasama ko noon ang banda kong Watawat.

“Totoo po, nakapag-concert ako sa Bilibid. May kaibigan ako doon. Sabi ng kaibigan ko, tulungan ko naman daw ang mga nakakulong doon. Marami doon ang walang kasalanan.

“Ewan ko ba kung anong relevance at nabanggit ang pangalan ko doon. Hindi naman kami namimili ng pagtutugtugan,” pahayag ni Ka Freddie.

Isa rin si Sharon Cuneta sa nabanggit na performers sa tinatawag nilang Little Las Vegas. Agad nagpaliwanag si Sen. Kiko Pangilinan sa isyung ito.

Sa kanyang official website, sinabi ng senador na totoong nagpunta sa Bilibid ang asawa pero wala itong tinanggap na talent fee.

Pahayag ni Sen. Pangilinan, “On July 10, 2012, Sharon went to the New Bilibid Prison for the taping of her talk show, ‘Kasama Mo Kapatid,’ which had an episode featuring the life of inmates. She sang four songs for the closing portion, which is the customary format of the show.”

Read more...