News reporters ng TV5 isa-isa nang nagre-resign | Bandera

News reporters ng TV5 isa-isa nang nagre-resign

Ronnie Carrasco III - September 22, 2016 - 05:46 PM

RENZ ONGKIKO

RENZ ONGKIKO

A few good men choose to remain with TV5’s News Department kahit halos araw-araw ay nakakabalita kaming may mga umaalis na sa hanay ng mga reporter.

Isa sa mga ‘di natitinag sa kanyang posisyon ay ang guwapo na’y mahusay pang tagapag-ulat na si Renz Ongkiko who recently got back from his Davao coverage of the current situation following the night market bombing incident weeks ago.

“Some are leaving their company because of their boss, but I’m staying because of my boss,” ani Renz na ang tinutukoy ay si Ms. Luchi Cruz-Valdes, hepe ng kanilang departamento.

While in a huddle with Cristy Fermin at the basement of Reliance Bldg., may mga kilala kaming taga-News who have formally tendered their resignation, mga batikan na rin sa mundo ng TV news na tiyak na hindi mahihirapang maghanap ng kanilang lulugaran.

We have always maintained this belief na kahit saan man mapadpad ang isang tao given his present task ay mananatili siyang tapat at propesyunal sa kanyang tungkulin. We are judged and measured on the impact that our goods have on the lives of people.

Sa araw-araw naming pagtatrabaho sa Radyo Singko (sa programang Cristy Ferminute), ramdam ng kolumnistang ito ang mala-biyaheng tren (not Busan-bound, ha?) na sinasakyan ng mga news reporter tungo sa destinasyon ng wasto, parehas at responsableng paghahatid ng mga ulat para sa publiko.

Along the trip, however, may mga bumababa na sa mga susunod na istasyon perhaps waiting for a better, faster and safer train ride.

Maaaring binabaybay ng kanilang nasakyang tren ang tamang riles, but they probably boarded the wrong train. Maaaring mabagal itong umandar, lumalangitngit ang mga piyesang bakal, kulob ang loob at walang hanging pumapasok pero hindi naman siksikan.

At sa paglingon mo, iilan na lang pala ang natitirang pasahero, their faces painted with boredom, dismay, resentment, etc.. Pero dahil mahusay ang piloto, they remain on board.
Whatever fate holds the few passengers left ay sila lang ang nakakaalam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending