Isang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa Sabado.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration papangalanang Helen ang bagyo pagpasok sa PAR. Mayroon itong international name na 96W.
Kahapon ay ang bagyo ay nasa layong 2,035 kilometro sa silangan ng Mindanao.
Umuusad ito sa bilis na 35 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran. May hangin ito na umaabot sa 55 kilometro bawat oras.
Hindi pa tiyak kung tatama sa lupa ang bagyo.
READ NEXT
De Lima hindi magbibitiw
MOST READ
LATEST STORIES