De Lima hindi magbibitiw

de-lima-31

SINABI ni Sen. Leila de Lima na hindi siya magbibitiw sa harap ng mga panibagong panawagan para siya bumaba sa puwesto matapos namang idiin na nakikinabang sa iligal na droga sa Nationa Bilibid Prison (NBP).

“Should I?” Ako ang ginigipit nila sa mga walang katuturan na mga akusasyon nila and then ako ang magre-resign?”sagot ni de Lima matapos naman ang ilang panawagan na magresign na siya.

Nauna nang nanawagan si Kabalikat Rep. Harry Roque na dapat nang umalis sa puwesto si de Lima.

“I don’t want to speak further baka kung ano pa ang masasabi ko, lalong magagalit yang mga yan,” giit ni de Lima.

Matatandaang una si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nanawagan sa pagbibitiw ni de Lima, bagamat ibinasura lamang ito ng senadora.

Read more...