IN fairness, meron namang natutunan si Mark Herras pagdating sa pagme-makeup nang lumabas siya bilang beautician sa weekly comedy series na Conan, The Beautician.
Gulat nga ang girlfriend niyang si Wynwin Marquez nang regaluhan siya ng sosyal na make up brush ni Mark, huh! Proud na idinispley ‘yon ni Wyn sa kanyang Instagram account.
Pero sure na sure raw ang Kapuso actress-dancer na wala siyang duda sa pagkalalaki ni Mark. Convincing lang daw talaga ang pagganap ng kanyang boyfriend bilang beki. Masunurin kaya sa kanya ang boyfriend!
Just recently, nag-renew ng contract sa GMA si Mark kaya tuluy-tuloy lang ang kanyang pagtatrabaho sa Kapuso Network.
MOST READ
LATEST STORIES