Anak nina Vicki at Hayden agaw-eksena sa bonggang wedding ni Cristalle sa Italy

scarlet snow

AGAW pansin ang bunsong kapatid ni Cristalle Belo Henares na si Scarlet Snow sa kasal nila ni Justin Pitt noong Set. 15 sa Lake Como, Italy.

Flower girl si Scarlet at habang naglalakad sa isle ang mga kasamahan ay paroo’t parito naman siya base sa post ng mommy nitong si Dra. Vicki Belo, na may caption na: “@scarletsnowbelo made the walk without the basket of flowers because every time we’d give it to her she would sit down and start throwing the petals.

“Then when she’d walk people would clap and she’d get gulat and run back. But, finally she made it. #PITTurePerfect.”

Pinood namin ang video ni Scarlet habang naglalakad at nakakatuwa nga, kahit ang mga nasa loob ng simbahan ay aliw na aliw sa cute na anak nina Dra. Belo at Hayden Kho.

Samantala, bago naman ikasal si Cristalle kay Justin ay nagpa-picture muna silang pamilya kasama sina direk Quark Henares, Cristalle, Dra. Vicki at tatay niyang si Atom Henares.

Post ni Dra. Belo, “Thank you for praying for the rain to stop. The sun just came out and it was a beautiful day. Here is our family picture right before the wedding.”

Read more...