Death benefits ilang buwan nang nakatengga | Bandera

Death benefits ilang buwan nang nakatengga

Liza Soriano - September 21, 2016 - 12:10 AM

MA’AM Liza, magandang umaga. Nais ko pong humingi ng tulong ukol sa SSS claim para na namatay ko pong kapatid. Ang sabi po nila CI lang daw ang hinihintay namin tapos po naka-schedule na raw kami.
Hinihintay po namin sila pero hindi naman kami pinupuntahan. Tapos nung nagpunta ulit ‘yung isa kong kapatid ay nakausap niya ‘yung magsi-CI at ang sabi po sa kanya ay wala raw sasakyan na magagamit. Nung araw na ‘yun, pumunta sila sa ibang lugar at umabot na ng three months wala pa rin silang CI.

Ma’am, CI na lang po talaga ang kailangan, hindi pa maiprocess. Eto po ang name ng kapatid kong namatay na Dominador C. Roa mula sa Butuan City.

REPLY: Ito ay bilang tugon sa inyong email tungkol sa status ng death claim para sa benepisyaryo ng namatay na SSS member na si Dominador C. Roa.

Kami po ay nakipag-ugnayan sa SSS Butuan Branch, at ayon po sa kanila, hinihintay pa po ang resulta ng imbestigasyon tungkol sa fact of marital status ng miyembro. Mahalaga po ito upang matiyak ng SSS na sa tamang benepisyaryo maisasalin ang benepisyo ng namatay. Lumalabas po na sa pahayag ng mga benepisyaryo ng miyembro na “single” siya, subalit “married” ang status na nakatala sa ipinasang death certificate nito.

Pinapaalalahanan po namin ang ang mga miyembro at benepisyaryo na maging maingat sa pagbibigay ng impormasyon sa kanilang aplikasyon ng mga benepisyo sa SSS upang maiwasan ang pagkaantala.

Samantala, nasa priority list na po ang imbestigasyon para sa Fact of Marital Status ni Dominador C. Roa.

Bibigyan po namin kayo ng update kapag natapos na po ang imbestigasyon.

Para po sa katanungan ng ating mga miyembro, maaari rin po silang mag-email sa [email protected] o tumawag sa call center 920-6446 hanggang 55.

Sana ay aming nabigyang linaw ang inyong katanungan.

Salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media
Affairs Department

(Aksyon Line: Sa naging liham po ng SSS, hindi ito nagbigay ng time frame kung hanggang kailan tatagal ang ginagawa nilang imbestigasyon hinggil sa kaso ng contributor na si Dominador C. Roa)

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending