Gary Estrada type na type sina Arci at Jessy; naging inspirasyon si Ian

jessy gary arci
PANSAMANTALANG iniwan ni Gary Estrada ang showbiz para mag-concentrate sa pagiging public servant. After six years, muli namin siyang nakausap kasama ang kanyang asawa na si Bernadette Allyson at dalawa nilang anak na babae.

Sobrang na-miss daw ni Gary ang mga kaibigan niya sa showbiz after niyang mag-guest sa It’s Showtime ng ABS-CBN.

“Actually, nakakatuwa nga, e, nu’ng kinausap nila ako tapos tinatanong nila ako kung doon na ako, ‘Sige, pag-aaralan natin baka pwede.’ Sabi ko nga, ‘Gusto ko, naiinggit nga ako kina Kuya Joey (Marquez).’

“Imadyinin mo, para lang silang naglalaro. Sabi ni Railey (Santiago, Business Unit Head), ‘O, relax ka lang, ha. Enjoy ka lang. Para lang ito noong dati. Huwag kang masyadong stiff. Alam ko naman kayong mga politiko, e, nagiging stiff kayo.’ Natawa lang ako!” kwento ni Gary.

Ilang taon din na nag-concentrate si Gary bilang Provincial Board member sa Quezon province for the last six years. But sad to say, when he ran for a higher office sa Quezon, ‘di na siya pinalad na manalo.

Sa ngayon, nagsimula na ulit umarte si Gary through GMA 7’s new soap opera, ang Alyas Robin Hood.
“There were some offers but the problem is like, it wasn’t yet the time. ‘Yung nangyari sa akin after election, siyempre kailangan mo naman, hindi naman kinabukasan, makalawa, isang linggo makakabangon ka. Siyempre, dadating at dadating ang kalungkutan,” lahad niya.

Inamin ni Gary na naapektuhan talaga siya nu’ng matalo last election dahil anim na taon din daw siyang naglingkod sa mga kababayan niya.

“May routine na ako. Kapag Sunday ng gabi nakahanda na ang mga gamit ko, nakasakay na sasakyan. Monday ng madaling-araw buma-byahe na ako. Pauwi na ako ng Quezon. Thursday ng gabi kasi nag-iikot ako. Talagang ipinakita ko ‘yung malasakit,” ani Gary.

Hindi lang din basta pumasok sa politika si Gary kundi sinikap din niya na makapagtapos ng kursong Management sa AIM university, “I really prepared for this and this is really what I want. Nu’ng bata pa lang ako ayun na siguro ‘yung direksyon na gusto kong tahakin.”

Pero dahil three years pa bago ang susunod na halalan, nakumbinse naman siya na bumalilk sa showbiz. At naging inspirasyon daw niya para bumalik ay ang dating kasabayan sa action films na si Ian Veneracion.

“Yes, actually, to be honest with you, saka para sa akin napakagaling ng ginawa ni Ian kasi ‘yung age bracket, mas nauna siya sa akin (mag-showbiz). Pero naabutan ko siya. Pero si Ian kasi child star pa ‘yun. Nu’ng nag-aksyon lang, that was the time na gumagawa rin ako ng action films. So, nakakatuwa,” sabi ni Gary.

Given a chance na maging leading man uli, sana raw makatrabaho niya ang mga bagong leading ladies ngayon gaya nina Anne Curtis, Jessy Mendiola at bidang babae sa bagong primetime teleserye ng ABS-CBN na Magpahanggang Wakas na si Arci Muñoz.

q q q
Speaking of Arci Muñoz, nagmarka na talaga ang dalaga bilang isa sa “maiinit” na leading ladies sa Kapamilya network kaya agree kami sa sinabi ni Gary Estrada na sana nga ay magkaroon ng chance na magkatrabaho sila someday.

And when we said mainit”, hindi lang hot and sexy ang ibig naming sabihin, but also sa mga matatagumpay na proyektong ginawa niya mapa-TV and movies.

Like now, very promising ang bago niyang teleserye sa primetime ng ABS-CBN na Magpahanggang Wakas with no less than the Asian Drama King na si Jericho Rosales. Trailer pa lang ng serye ay marami na ang nagandahan kaya inaabangan na agad sa Kapamilya network hindi lang ng local audience kundi maging sa iba’t ibang bansa.

Parehong galing sa matagumpay na teleserye sina Jericho at Arci bago ang una nilang pagtatambal sa Magpahanggang Wakas. Huling nagbida si Jericho sa Bridges Of Love na gumawa rin ng ingay sa ibang bansa kabilang na ang Latin Amerika. Habang markado naman ang performance ni Arci bilang si Norma sa Passion de Amor.

Kasama rin sa Magpahanggang Wakas sina Gelli de Belen, Rita Avila, Danita Paner, Liza Lorena, Lito Pimentel, Justin Cuyugan, Marco Gumabao, Maika Rivera at Jomari Angeles.

Huwag palampasin ang Magpahanggang Wakas na nagsimula na last Monday pagkatapos ng Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Read more...