Carla, Lovi pinatunayang walang away sa pamamagitan ng tuta

carla abellana at lovi poe

NAKAUWI na ang tuta na natagpuan ni Lovi Poe na nawawala sa village na tinitirhan niya two days ago. Kahapon nga ay nakakita siya ng note na apparently mula sa owner ng tuta.

Nagbilin kasi sa guard ng village si Lovi na tawagan siya kapag may nagtanong sa tuta at nang ipinost niya sa kanyang Instagram account ang pic ng tuta ay kontakin lang siya.

“Little Bruce (name ng tuta) is home now. Thank you so much Siena family,” ang caption ni Lovi sa photo.

Isa sa nagkomento sa post ng Premiere Actress ay si Carla Abellana, “Don’t go running away again, Bruce.”

See, walang isyu kina Lovi at Carla na pinalalabas ng ilang netizens dahil sa maiinit na love scenes ni Tom Rodriguez kasama si Lovi sa GMA Telebabad series na Someone To Watch Over Me.

Read more...