Relasyong Bea-Gerald dapat lang bigyan ng second chance

bea alonzo at gerald anderson

SPOTTED sina Bea Alonzo and Gerald Anderson na magka-holding hands while walking sa isang lugar.
When it came out sa isang popular website, not a few loved seeing them together.

“Maybe this is the right time for them. Happy na naman lahat eh so maging happy nalang din tayo for them,” said one fan.

“Pag forever na anong gagawin mo? Isipin mo ang pinagdaanan nila at kung bakit ulit nila pinili ang isa’t isa. Pwede naman sila hindi mag date at maging friends lang, pero may reason siguro kung bakit gusto nila itry ulit ang relationship nila.

“Dahil ang reason nila kung dahil nag break ay timing, sa mga kwento nila parang perfect love ang sa kanila ang dami lang may ayaw at bawal,” one fan opined.

Ang paniwala naman ng isa, “If there’s a couple who deserve a second chance, sila na yon. This time wala nang loveteam pressure, both successful and mukhang ok na sa Star Magic. Happy for them.”

Sey naman ng isa,“Bagay na bagay naman sila. At mukhang in love na in love din sila sa isa’t isa. Kaya sana hayaan na lang natin silang lumigaya. Tigilan na ang pangnenega dahil diyan nasisira ang relasyon ng mga showbiz couple. Hayaan natin silang lumigaya!”

Read more...