HERE’S congratulating Daniel Padilla and Kathryn Bernardo and the whole production team of “Barcelona”. We have seen the movie na in an almost filled-cinema somewhere near us.
Marami ang kilig na kilig sa mga eksena ng KathNiel at tuwang-tuwa rin sila na sa wakas ay nabigyan din sila ng Star Cinema ng isang project na bagay sa edad
nila.
Hindi man ito ang the best among direk Olive Lamazan’s films, but this is indeed the most challenging movie ng KathNiel.
Huwag sanang ikagagalit ng mga maka-Kathryn, pero mas malaki ang improvement sa pag-arte ni Daniel. Mas may lalim na ito at iba ang hugot. At para sa amin ang pakikipag-eye-to-eye sa kanyang mga eksena ang strength ng acting ni DJ.
Sana’y mas mabantayan pa ang pagbibitiw ng mga dialogue ni Kathryn, may mga eksena kasi na natatabunan ang tumatagos na drama moments niya ng tila pagkain niya sa binibitiwang salita.
Kaya kung kami ang tatanungin kung sino sa dalawa ang mas madaling makakawala sa tandem nila come the time na mag-mature na sila, it’s Daniel na aktor na aktor na! Congrats again!