Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Rain or Shine vs Phoenix Petroleum
7 p.m. Meralco vs Mahindra
GUMAWA si Elijah Millsap ng 25 puntos at 14 rebounds sa kanyang unang laro matapos bumalik sa San Miguel Beer para ihatid ang Beermen sa panalo kontra Blackwater Elite, 107-101, sa kanilang no-bearing game na nagsara sa kanilang elimination round schedule sa 2016 PBA Governors’ Cup sa Alonte Sports Center sa Biñan, Laguna kahapon.
Nag-ambag si Arwind Santos ng 19 puntos habang si June Mar Fajardo ay nagdagdag ng 18 puntos para sa Beermen na makakasagupa ang NLEX Road Warriors sa quarterfinals na magsisimula sa Huwebes sa Smart Araneta Coliseum.
Sa ikalawang laro, siniguro ng TNT KaTropa Texters ang No. 1 spot papasok sa quarterfinal round matapos tambakan ang Barangay Ginebra Kings, 104-92.
Nagtapos ang TNT na may 10-1 kartada.