PBA sinisi sa nakakalitong programming ng TV5

AROUND this time last year ay matunog na ang balitang pagpasok ng Viva Entertainment sa TV5, such was a positive signal expected to make MVP’s network on competitive rise alongside ABS-CBN and GMA.

Towards the last quarter ng 2015 nang inilatag ang mga malalaking show ng pinagsanib na puwersa ng Viva at TV5 bilang hudyat ng pagbabalik-TV nina Claudine Barretto sa Bakit Manipis ang Ulap? at Richard Gutierrez sa Ang Panday. Isama na rin ang bagong-bihis na Wattpad Presents at #Parang Normal Activity, an all-Viva ensemble at ang Tasya Fantasya.

Ngunit dahil sa PBA games aired on certain days (na malakas din ang hatak sa mga manonood) resulting in a major change in programming ay nalilito tuloy ang mga viewers, altering even their daily habits and rituals much to their dismay.

Kamukat-mukat mo, natapos na pala ang kebagu-bago pa lang na programa one after another that ultimately led to the cancellation of all shows. Viva also bowed out of the scene nang parang hindi ito napadpad sa TV5.

Then there were rumors kung bakit wala na ang kumpanya ni Boss Vic del Rosario ugly as they appeared to be.

Banking on the Pinoys’ preference sa mga Tinagalog na materyal and propensity for horror-suspense stuff, nitong mid-August, TV5—sa kabila ng persepsiyon that it’s “dead”—has been airing the popular American series tungkol sa mga zombie via The Walking Dead.

Sa serye man lang na ito na mapapanood tuwing Huwebes (alas siyete ng gabi) ay maramdaman ng mga manonood that TV5 is still very much alive despite the series of “macabre circumstances” na pinagdaanan nito.

Read more...