Top spot asinta ng San Beda Red Cubs

Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
9 a.m. San Sebastian vs EAC
10:45 a.m. JRU vs Letran
12:30 p.m. Perpetual Help vs Lyceum
2:15 p.m. San Beda vs Arellano
4 p.m. Mapua vs CSB-LSGH
Team Standings: **San Beda (16-1); *Mapua (13-3); *Arellano (13-4); *CSB-LSGH (13-4); Lyceum (8-9); Letran (7-10); Perpetual Help (5-12); EAC (3-13); JRU (3-13); San Sebastian (2-14)
** – twice-to-beat edge
* – Final Four berth

OKUPAHAN ang unang puwesto ang tangka ng San Beda College Red Cubs sa pagsagupa nito sa karibal na Arellano University Braves habang maghaharap ang Mapua Red Robins at La Salle-Greenhills Greenies para sa tsansa na makuha ang twice-to-beat incentive sa Final Four ng NCAA Season 92 juniors basketball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Tinalo ng Red Cubs ang Junior Blazers, 85-82, noong Biyernes upang masiguro ang No. 1 seed matapos ang eliminasyon pati na rin ang isa sa dalawang twice-to-beat incentive sa Final Four.

Ang panalo kontra sa Braves sa alas-2:15 ng hapon na salpukan ay magiging pambawi ng Taytay, Rizal-based na Red Cubs mula sa nalasap na 90-93 kabiguan sa unang round noong Agosto 1.

Sinabi naman ni San Beda coach JB Sison na pinaghahandaan na nito ang importanteng laban sa Final Four.

“We just want to prepare ourselves physically and mentally and of course we want to go to the Final Four coming off a win,” sabi ni Sison.

Ang Arellano, na nabigo sa Mapua, 71-84, noong Biyernes na naghulog dito mula No. 2 para makihati sa No. 3 silya kasama ang La Salle-Greenhills na may 13-4 karta, ay kalahating laro sa likod ng Red Robins na tumalon mula sa dating No. 4 tungo sa No. 2 sa itinalang 13-3 marka.

Ang panalo ng Mapua kontra La Salle-Greenhills sa kanilang alas-4 ng hapon na pagkikita ay magbibigay dito ng  playoff para sa kinakailangang twice-to-beat advantage.

Read more...