Inimbita ng House committee on justice si Sen. Leila de Lima sa pagdinig na isasagawa nito kaugnay ng pagiging talamak ng ipinagbabawal na gamot sa New Bilibid Prison noong siya ang kalihim ng Department of Justice.
“We invited her (de Lima),” saad ng chairman ng komite na si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali. “I gave the directive to invite Sen. Leila in her capacity as former secretary under whose watch all these issues happened.”
Ayaw namang asahan ni Umali ang pagdating ni de Lima lalo at inakusahan na nito ang komite na isang ‘kangaroo court’.
“Meron kasi akong nabasa noon na may naging statement sya na itong committee hearing is like a kangaroo court. Syempre pag ganon ang description mo ay in all likelihood ay hindi siya magpa-participate.”
Tiniyak naman ni Umali na hindi si de Lima ang sentro ng kanilang isasagawang imbestigasyon kundi ang mga nangyari sa NBP.
“And whatever comes out on Tuesday, hopefully makita nya na yong committee will be fair to her. At any point in time that she wants to participate either just through a statement or send a lawyer there etc…we will gladly accommodate that,” dagdag pa ni Umali.
Inamin naman ni Umali na sorority sister niya si de Lima pero hindi umano ito magiging hadlang upang gawin niya ang kanyang trabaho na mag-imbestiga.
“Si Leila de Lima nga ay sis ko sa sorority. But I have a job to do. I cannot renege on my duty as chair of the justice committee,” dagdag pa ng solon sa panayam sa radyo. “This is not about Leila de Lima. This is about the proliferation of drugs trade in NBP, except it happened during her time that is why she is included in the investigation.”
Inimbita rin ng komite si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na inaasahang magdadala ng mga testigo sa pagdinig ng komite sa Martes.
“Again, we are giving the prerogative to the DoJ secretary (Aguirre). Sa aking nababasa, mukhang ihaharap na niya (si Colangco) so we are open. We will let them. Sa ganitong imbestigasyon, titingnan natin kung saan pupunta ito at kung ano pang kakulangan, then hahanapin natin para mabuo natin ang istorya. Nang sa ganoon ay makapagbigay ng magandang panukala para ito ay masolusyunan natin.”
MOST READ
LATEST STORIES